Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.
Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.
Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.
Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.
Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.
Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.
Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.
Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.
Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.
Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.
Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.
thank you for this post
ReplyDeleteWhat the heck what the hell what the fuck
ReplyDelete